3 Uncommon Filipino Words

Pang-ulong Hatinig

 

Mula sa larawang ating nakikita, mahihinuha ng madla na ang Pang-ulong Hatinig kapag isinalin sa wikang Ingles ay Headphones.

Ang kahulugan ng pang-ulong hatinig ay isa itong aparato na ginagamit upang madinig ang musika o anomang tunog na nagmumula sa ating mga telepono nang hindi na kailangan ilapat pa ang telepono sa tainga.

Halimbawang Pangungusap: Ang binigay na regalo sa akin ng aking kapatid ay isang kulay asul na pang-ulong hatinig.

Panginain

 

This slideshow requires JavaScript.

Sa wikang Ingles, ito ay tinatawag na Browser.

Ang depinisyon ng Panginain ay isang programa sa kompyuter na pinapadali ang pagsasaliksik ng impormasyon sa Internet.

Halimbawang Pangungusap: Ang pinakasikat na panginain ngayon ay Google dahil sa mabilis at madali nitong paghanap ng sinasaliksik.

Duyog

Ang Duyog ay mas kilala sa wikang Ingles na Eclipse.

Kahulugan: Ito ay isang natural na penomena kung saan ang araw ay tila ba bahagyang or buong tinatakpan na kadiliman dahil ang buwan ay nasa gitna ng araw at ating planeta.

Halimbawang salita: Napakaganda ng duyog na aking nakita kagabi.